Noong Disyembre 1957, nagkaroon ng malubhang sakit si Chiara Lubich. Sa kanyang tinutuluyang bahay, mayroong kapilya na may Banal na Tabernakulo (presensiya ni Jesus sa Banal na Eukaristiya).

Isang araw, nagpunta ako sa simbahan at puno ng pagtitiwala, tinanong ko sa Kanya: “Bakit minarapat mong manatili sa lahat ng dako ng mundo sa katamis-tamisang Banal na Eukaristiya, ngunit di ka nakaisip – ikaw na siyang Diyos – ng paraan upang dalhin
at iwan sa amin si Maria, ang Ina ng lahat naming naglalakbay?”

Sa katahimikan, tila sumagot siya:

Hindi ko siya iniwan dahil nais kong makita siya muli sa iyo. Kahit na hindi kayo dalisay, padadalisayin kayo ng aking pagmamahal.

Ikaw, kayo, bubuksan ninyo ang inyong maka-inang kanlungan at puso,
sa sangkatauhan, na tulad ng sa nakaraang panahon, ay nauuhaw sa Diyos
at sa Kanyang Ina.

Kayo na ngayon ang magbibigay ng aliw sa paghihirap, maghihilom ng mga sugat,
magtutuyo ng mga luha.

Awitin mo ang kanyang mga litanya at sikaping maging larawan ng mga ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here